Connect with us

Aklan News

P34-M SUPPLEMENTAL BUDGET, APRUBADO NG SP AKLAN

Published

on

KASONG ADMINISTRATIBO NA KINAKAHARAP NI MADALAG MAYOR ALFONSO GUBATINA, PAG-AARALAN PA NG AKLAN SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Photo File| April Mae Zaulda/Radyo Todo Aklan 88.5 fm

Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang proposed appropriation ordinance ng supplemental budget No. 4 para sa taong kasalukuyan.

Nakasaad sa nasabing ordinansa ang kabuuang P34 million pesos na alokasyon upang mapondohan ang mga programa, proyekto at mga aktibidades na may kinalaman sa COVID-19.

Ayon kay SP member Jay Tejada ang naturang pondo ay nagmula sa reverted trust funds and accounts payables ng gobyerno probinsiyal ng Aklan.

Aniya, kailangang ma-revert ito sa general fund upang magamit sa pamamagitan ng appropriation ordinance.

Nakapaloob rin sa nasabing resolusyon ang pondo para sa mga Local Government Unit (LGUs).

Paglilinaw ni Tejada na hindi lahat ng trust fund ay ginamit dahil hindi lahat ng trust fund ay puwedeng i-revert o i-reappropriate.

Dagdag pa nito na ang bawat trust fund ay pinagtitibay ng isang appropriation ordinance.