Connect with us

Aklan News

P346K na halaga ng Droga nasabat mula sa high value target individual na nadakip sa buy bust ops sa Kalibo

Published

on

TIKLO sa drug buy-bust operation ng mga otoridad ang isang High Value Individual (HVI) matapos na mabilhan ng iligal na droga sa Estancia, Kalibo nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Jaymark Francisco, 32-anyos na residente ng Rizal Street, Poblacion, Kalibo.

Nabilhan si Francisco ng isang sachet ng shabu kapalit ng P7,000 na buy-bust money.

Samantala sa isinagawang body search, narekober din ang dagdag na 50 grams ng suspected shabu na nakalagay pa sa parcel ng isang courier company.

Ayon kay PMAJ. Frensy Andrade, Chief ng PDEU Aklan, posible umanong galing sa Luzon ang mga droga at isa si Francisco sa mga binabagsakan nito sa Aklan.

Sa panayam naman ng Radyo Todo kay Kagawad Kim Melgarejo, 6 na buwan na umano nilang minamanmanan ang suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.