Aklan News
P40K halaga ng cash at paninda nalimas ng kawatan sa isang sari-sari store
Nilooban ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang sari-sari store sa Estancia, Kalibo kahapon ng madaling araw.
Ayon sa may-ari na kinilalang si Eden Mariano, 49 anyos at residente ng nasabing lugar, alas-sais ng umaga na niya nadiskubre na pinasukan ng magnanakaw ang kanyang tindahan sa kanilang boarding house.
Tinangay ng suspek ang 3 ream ng sigarilyo na nagkakahalagang P10, 000, dalawang pakete ng tocino na nakakahalaga ng P270, perang laman ng piggy bank na nasa P7, 000, P10, 000 na pera na nakalagay sa loob ng tray at 15, 000 na nakalagay sa isang brown gallon.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring nakawan.
Continue Reading