Aklan News
P45M REVETMENT WALL PROJECT, NASIRA
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2019/10/PicsArt_10-28-06.01.12.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2019/10/PicsArt_10-28-06.01.12.jpg)
Banga – Nasira ang revetment wall project sa ilog ng Brgy. Jumarap, Banga dahil sa lakas ng agos ng tubig at tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ayon sa impormasyon umaabot sa P45 milyon ang pundo ng naturang proyekto na nakuha ng Brgy. Jumarap sa pamamagitan ni Aklan 1st Dist. Cong. Carlito Marquez na pinangasiwaan naman ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH ).
Sa pakikipagpanayam kay Jumarap Brgy. Capt. Teodorico Teodosio, nauna na umanong nasira ang porsyon ng revetment wall noong nakaraang taon pa dahil sa umano’y mahinang pundasyon nito.
Idinulog niya na rin umanong ito sa tanggapan ng district engineer. Isang buwan pagkatapos niya umanong itong ireport, nagsagawa ng pag-aayos ang kontraktor na International Builders Company (IBC) sa mga nasirang parte ng revetment wall para maiwasan ang tuluyang pagkagiba nito.
Ang IBC na naka base sa Iloilo City ang kinuhang kontraktor ng DPWH para sa nasabing proyekto.
Kaugnay nito, ipinasiguro ni District Engineer Noel Fuentebella, na hindi nya ipoproseso o pipirmahan ang anumang dokumentong may kaugnayan sa pagbabayad ng nasabing proyekto.
Ayon pa sa kanya sinabihan niya ang IBC na bilisan ang pag-aayos ng mga sirang parte nito para maiwasan ang mas malaking problema sa hinaharap.