Connect with us

Aklan News

P49M, KAILANGAN NG AKELCO SA PAG RELOCATE NG MGA POSTE SA HIGHWAY

Published

on

NANGANGAILANGAN NG 49 MILLION PESOS na budget ang Aklan Electric Cooperative para mai-relocate ang kanilang mga poste na tinamaan ng road widening ng national highway.

Ayon kay Akelco General Manager Engr. Alexis Regalado, may Joint Agreement and Department of Public Works and Highways at Department of Energy na dapat ay sagot ng DPWH ang budget para dito pero Akelco ang mag iimplement.

Sinabi ni Regalado na naisumite na nila ang lahat ng papeles na kailangan ng DPWH para sa paghahanda ng ng nasabing budget at hinihintay na lang nila na maitransfer ito sa account ng Akelco.

Pansamantala ay inuunti-unti na nila ang pagrerelocate ng poste gamit muna and pundo ng Akelco at irereimburse na lang ng perang manggagaling sa DPWH.

Pero kung kailan, yun ang hindi pa alam ng Akelco.

Nilinaw din ni GM Regalado na sinunod nila ang 1 meter setback sa kalsada noong itinayo nila ang poste at hindi nila inaasahan na magkakaroon ng road widening ngayon ang DPWH.

Nauna ng inireklamo sa Radyo Todo ng mga motorista ang pananatili ng mga poste sa pinalapad na mga kalsada dahil delikado ito para sa kanila.