Connect with us

Aklan News

P50 DAGDAG SINGIL SA TERMINAL FEE SA BORACAY, ‘DI APRUB KAY GOV. MIRAFLORES

Published

on

Photo| Roy Wanders

Binigyang veto o hindi inaprubahan ni Gov. Florencio Miraflores ang 2020 Revenue Code na naglalayon sanang dagdagan ng P50 ang bayad sa terminal at environmental fee patawid ng Boracay Island.

Idinahilan ng goberdanor na masyadong mataas ang P50 na dagdag singil at wala naman aniya silang maibibigay na dagdag na services gayong hindi pa tapos ang rehabilitasyon sa isla.

Ayon kay Legislative Consultant Odon Bandiola, sumang-ayon naman ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa katuwiran ng gobernador.

Kaya, mananatili sa P100 ang halaga ng binabayarang terminal fee ng mga turista patawid ng Boracay habang P75 naman ang environmental fee.

Matatandaan na ipinasa ng SP ang “Ordinance Adopting the 2020 Revenue Code of The Province of Aklan” noong nakaraang Disyembre 2, 2019 sa kanilang 22nd regular session.