Connect with us

Aklan News

P50M ilalaang pondo ng DPWH sa ‘di natapos na Albasan-Camanci Sur Bridge

Published

on

Maglalaan ng P50 million na pondo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para matapos na at mapawi na ang pangamba ng mga residente sa mapanganib na Albasan at Camanci Sur bridge.

Ayon kay Vice Mayor Rogelio Enero ng Numancia, inimbitahan nila ang DPWH sa session ng Sangguniang Bayan para magpaliwanag tungkol sa hindi pa natatapos na tulay sa Albasan at Camanci.

Paliwanag umano ng project engineer na si Engr. John Lito Alcedo, nilaanan ng P20 million na pondo ang tulay pero hindi ito naging sapat dahil sinikap nila na gawing matibay ang pundasyon kaya kinulang ang budget.

Ang nasabing proyekto ay sinimulan noong 2022 at December 2023 na naturn-over kaya hindi agad naisama sa budget ng 2024 ang Phase 2.

Sa taong 2025, nakalinyada na ang P50 million na pondo ng DPWH para matapos ang tulay at para sa revetment wall sa paligid nito.

Matatandaang, inireklamo ng mga residente ang tulay dahil hindi pa rin ito natatapos at nilagyan lang ng coco lumber bilang band aid solution para pansamantalang madaanan ng mga motorista.