Connect with us

Aklan News

P6500 FUEL SUBSIDY MULA SA PANTAWID PASADA PROGRAM NG GOBYERNO, MAGAGAMIT NA NG MGA PUJ DRIVERS

Published

on

File Photo| Mary Ann Solis/Radyo Todo Aklan

Maaari na ngayong ma-check ng mga Pantawid Pasada Program (PPP) card holders ang kanilang atm para magamit na nila ang P6500 na fuel subsidy mula sa gobyerno.

Kinumpirma ni Malinao-Lezo Transport Coop President Edgar Igcasenza na kahapon, Marso 22 ay nadownload na ng Land Bank ang fuel subsidy para sa mga PUJ drivers bilang parte ng short-term solution sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis.

Pero nagpaalala si Igcasenza na mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Transportation (DOTR) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagwithdraw ng cash mula sa PPP card dahil ang nabanggit na halaga ay dapat lang gamitin sa pagbili ng langis.

Ang PPP card ay magagamit lamang sa mga accredited na gasolinahan gaya ng Petron at Shell.

Marami na rin aniya ang mga driver na binawian ng PPP card dahil sa paglabag sa nasabing kautusan.

Matatandaang nag request ng pondo ang Department of Transportation sa Department of Budget and Management para 377,443 beneficiaries ng fuel subsidy sa buong bansa.