Connect with us

Aklan News

P6,500 FUEL SUBSIDY SA MGA PUJ, NATANGGAP NA NG ILANG TRANSPORT GROUP SA EASTERN SIDE NG AKLAN

Published

on

NATANGGAP na ng ilang miyembro ng transport group na Banga-Kalibo Jeepney Transport Service Cooperative ng eastern side sa lalawigan ng Aklan ang P6,500 fuel subsidy mula sa pamahalaan.

Ayon kay Banga-Kalibo Jeepney Transport Service Cooperative President Leandro Lenciano, natanggap na ng ilan sa kaniyang mga miyembro ang ipinangakong ayuda sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada card.

Aniya pa, patuloy ang kanyang isinasagawang beripikasyon bilang presidente ng kooperatiba kung sino pa sa kaniyang mga miyembro ang hindi pa nakakatanggap upang mafollow-up niya ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“May amon eon gid man nga nabaton sa akon nga set of members, hay ginatipon ko pa tanan…tanan nga members nga naka-include iya sa akon nga kooperatiba para masayran ko kung sin-o pa ro owa para mafollow-up namon sa LTFRB. May una eon gid man kami nga nabaton,” ani Lenciano.

Saad pa ni Lenciano ito ay pangalang tranche na ng fuel subsidy para sa mga drivers at operators na naapektuhan ng pandemya at ang ngayong walang-patid na taas-presyo ng produktong petrolyo.

May naunang P7,200 silang natanggap bilang tulong sa mga transport sector dahil sa pananalasa ng COVID-19 pandemic samantala ang P6,500 na ipinamamahagi sa ngayon ay tulong para maibsan ang kanilang pasanin dahil sa bigtime oil price increase sa bansa.

Binigyan-diin nito na ang perang natanggap nila ay maaaring gamitin lamang sa pagbili ng gasolina.

Samantala, ang naturang fuel subsidy program ay pinondohan sa pamamagitan ng 2022 General Appropriations Act.