Connect with us

Aklan News

P80M-PESOS NA BUDGET INILAAN PARA SA CONCRETING AT WIDENING NG BYPASS ROAD SA BAYAN NG ALTAVAS

Published

on

NAGLAAN ng mahigit P80-million pesos na budget ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagsasaayos ng nasirang bypass road sa bayan ng Altavas.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Vice Mayor Denny Refol Sr. sinabi nito na ang naturang budget ay nagmula sa savings ng ahensiya.

Aniya, ang naunang budget para dito ay P70-million pesos ngunit nagpasa ang lokal na pamahalaan ng Altavas ng hiwalay na resolusyon na nagre-request na gawin itong P80-million pesos na inaprubahan naman ng DPWH.

Saad pa ng bise-alkalde na matagal na nila itong hinihiling sa DPWH ngunit tinatanggihan umano sila ng ahensiya dahil wala itong sapat na pondo para dito.

Dagdag pa ni Refol na itinuturo ng ahensiya ang pagpapa-ayos sa lokal na pamahalaan ngunit sapat lamang aniya ang kanilang budget sa loob ng isang taon.

Aminado rin si Vice Mayor Refol na malaking problema ang nasabing bypass road sa kanilang bayan.

Dahil dito, naghahanap sila ngayon ng ibang bypass road na maaaring madaanan mula Kalibo papuntang Iloilo.