Aklan News
PAALAM BAGO KAMPANYA, REQUIRED SA MGA KANDIDATO – COMELEC AKLAN
Simula na ngayong araw, Pebrero 8 ang panahon ng kampanya ng mga national candidates sa buong bansa.
Kaya naman nagpaalala ang COMELEC na tiyaking nasusunod ang mga panuntunan na nakasaad sa COMELEC Resolution 10732 lalo na ang mga dapat at hindi dapat gawin sa mga in-person campaign.
Ayon kay COMELEC Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo, kailangang kumuha ng permit ang mga kandidato o supporter at volunteers sa COMELEC Campaign Committee bago mangampanya o magsagawa ng mga caravan, rally o meeting de avance at iba pa.
Ito ay para sa ligtas na pangangampanya at upang hindi maging superspreader event ang mga aktibidad na isasagawa ng mga kandidato dahil pa rin sa umiiral na pandemya.
Nagpaalala din si Gerardo tungkol sa paglalagay ng mga tarpaulin sa tamang lugar pati na ang size na hindi dapat lumagpas sa 3×2.
Una nang sinabi ng COMELEC na mahigpit na ipagbabawal sa kampanya ang pagpasok sa loob ng bahay sa house-to-house campaigning, pakikipag-selfie, pakikipag-kamay, kiss, yakapan, beso-beso at iba pang uri ng physical contact pati na rin ang pamamahagi ng pagkain, maiinom at iba pang gamit sa mga convention, meeting at rally. MAS/RT