Connect with us

Aklan News

PAANO NANGYARI ANG TRAHEDYA NG BORACAY DRAGON FORCE PADDLERS?

Published

on

6:30 ng umaga, nag assemble ang 21 paddlers ng team sa Bulabog beach (back beach) sa Balabag para magpractice.

7:15 ng umaga, sumakay na sa kanilang dragon boat ang mga paddler pagkatapos ng kanilang warm up.

At dahil sa pagpalit na ng direksyon ng hangin mula habagat patungong amihan, ang naging rota nila ay mula Bolabog papunta sa long white beach na dadaan sa Tulubhan, Sugod, Tambisaan, Malabunot, Cagban at Angol.

Ngunit pagdating nila sa bandang Tulubhan, lampas na sa reef na may layong halos 300 meters mula sa tabing dagat at dahil medyo malakas ang alon ay napansin ng isang paddler na pumapasok ang tubig sa kanilang bangka.

Hanggang sa lumubog na ang kanilang bangka pero nakahawak pa rin ang nga paddlers.

Ngunit dahil sa lakas ng alon ay umikot-ikot ang bangka hanggang sa nabitawan na nila ito.

Isa sa mga paddler ay hindi marunong lumangoy at lahat sila ay walang life vest.

Ang iba ay nakalangoy papunta sa tabing dagat lalo na sa Lingganay resort at nagtulong tulongan para makaligtas.

Ngunit minalas na 7 ang nalunod at namatay at ito ay kinilalang sina:
*Johann Tan
*John Vincent Natividad
*Mark Vincent Navarrete
*Comar Acob
*Maricel Tan
*Richel Montuya
*Antonette Supranes

Samantala ang mga nakaligtas ay sina:
*Von Navarosa
*Mark Baccay
*Jaylord Violanda
*Edwin Paradas
*Marc Sabado
*Kenneth Bandalan
*Jao Buenaventura
*Robel Licerio
*Kathleen Sabado
*Julia Kurbaniizova
*Maggie Xie
*Yhen Aytona
*Lanie Ordas
*Janice Lumbo