Aklan News
Paanyaya sa Lahat ng Mga Empleyado ng Gobyerno ng Aklan!
Ngayong Setyembre 2024, ipagdiriwang ng Philippine Civil Service ang kanilang ika-124 na anibersaryo ! Ang pagdiriwang na ito ay nagbibigay pugay sa dedikasyon at pagsusumikap ng lahat ng mga public servants sa bansa.
Bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang serbisyo, nakipagtulungan ang CSC Aklan Field Office sa mga partner establishments para makapag bigay ng special offers at discounts sa mga empleyado ng gobyerno ng Aklan para sa karagdagang saya at pagkilala sa kanilang mga pagsusumikap.
Ang pagdiriwang na ito ay isang mahalagang pagkakataon upang ipakita ang pagpapahalaga sa mga empleyado ng gobyerno na patuloy na naglilingkod sa publiko.
Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na benepisyo na ito—para sa mga masisipag na Lingkod Bayani!