Connect with us

Aklan News

Paaralan sa Lawa-an, New Washington niransak ng kawatan; 2 laptop natangay

Published

on

NATANGAY ang dalawang laptop matapos nakawin ng hindi pa nakikilakang kawatan nitong Biyernes ng madaling araw sa Lawa-an, New Washington.

Ayon sa utility ng eskwelahan, alas-7 kaninang umaga nang mapansin niya na bukas na ang ibang pinto ng mga paaralan.

Agad nitong tinawagan ang mga guro  at dito na nadiskubre na 4 sa mga classroom ang pinasok ng suspek.

Ayon kay Teacher Eva Remetio isa sa mga guro ng Lawa-an Elementary School, Grade 1, 3, 4 at 6 ang pinasok ng suspek.

Natangay ang laptop ni teacher Eva at ang laptop ng kaniyang kasamahang guro.

Tinatayang nasa P80,000 ang halaga ng dalawang laptop na natangay ng suspek

Sa ngayon ay patuloy pang-iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring nakawan at pinaghahanap na rin ang suspek matapos itong masapul sa CCTV.