Aklan News
PAG-AMYENDA SA PRESIDENTIAL PROCLAMATION NO. 1064 SERIES OF 2006, HINILING NG SP AKLAN KAY PANG. DUTERTE


Hiniling ng Aklan Sangguniang Panlalawigan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-amyenda sa Presidential Proclamation No.1064 Series of 2006 sa pamamagitan ng pagbawas sa lawak ng Buffer Zone sa magkabilang panig ng centerline ng mga kalsada sa buong Isla ng Boracay.
Kung matatandaan,ang Presidential Proclamation 1064 series of 2006 ang siyang nag klasipika sa isla ng Boracay sa bayan ng Malay bilang forestland (Protection Purposes) at Agricultural land (Alienable and Disposable) alinsunod sa Commonwealth Act 141 o ang Public Land Act at Section 13 ng Presidential Decree No. 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.
Nakasaad sa nasabing batas ang 15 meters buffer zone sa magkabilang bahagi ng centerline ng mga kalsada para sa right of way at magiging bahagi ito ng area reserved for forestland protection purposes.
Noong March 26, 2022 ang Isla ng Boracay ay mayroong Total Road Network na 38,007 kilometro na kinabibilangan ng Provincial Roads na may habang 12.06 kilometro at lawak na 6.10 metro, Municipal Roads na may habang 1.116 kilometro, Barangay Roads na 22.716 kilometro at Private Roads na 2.115 kilometro at may lawak ang mga ito ng 4 na metro.
Samantala hiniling ng gobyerno probinsyal ng Aklan sa pamamagitan ni Governor Florencio Miraflores na kung maaari ay bawasan ang designated buffer zone sa magkabilang bahagi ng mga kalsada sa buong Isla ng Boracay mula sa 15 metro ay gawin na lamang itong 6 na metro.