Aklan News
PAG-ANGKAS NG PAMILYA SA PRIBADONG MOTORSIKLO, POSIBLENG IKUNSIDERA AYON SA KALIBO PNP
Kalibo, Aklan – Marami sa mga commuters at drivers ngayon sa Aklan ang apektado ng ipinapatupad na social distancing sa lahat ng mga pampublikong sasakyan.
Lubos na apektado nito ang mga empleyado na kailangan pumasok sa trabaho at walang sariling sasakyan dahil tumaas na rin o nag doble ang singil sa pasahe.
Sa panayam kay Police Major Belshazzar Villanoche ng Kalibo PNP, ang suspensiyon sa pag-aangkas sa mga motorsiklo ay bahagi ng kanilang guidelines para sa social distancing.
Nilinaw nito na dapat isa lang ang sakay ng motor at hindi maaaring mag-angkas kahit ang magpamilya.
Dagdag pa nito, kailangan lang nila na ipatupad ang batas dahil ito ay para naman sa kapakanan ng lahat.
Gayunpaman, bukas naman aniya sila sa usapin ukol sa pagkunsidera ng pag-angkas ng magkapamilya sa mga pribadong motorsiklo.
Magkakaroon aniya sila ng pagpupulong ngayong araw kasama ang Local Government Unit ng Kalibo at pag-uusapan ang sitwasyon.
Bukod naman sa mga motorsiklo, nagpapatupad rin ng social distancing sa iba pang mga pampublikong sasakyan gaya ng mga bus, jeep, at maging sa tricycle.