Aklan News
PAG-APRUBA NG 2022 AIP NG AKLAN, MASUSING BINUSISI NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN; MALAKING PONDO, NAKALAAN PARA SA COVID-19 RESPONSE AT SOCIAL SERVICES


Ipinasiguro ni Vice-Governor Reynaldo “Boy” Quimpo na narebyu at masusing binusisi ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang bagong aprubang Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2022.
Ayon kay VG Quimpo ito ay upang masiguradong magiging balanse ang budget at mabigyan ng sapat at nararapat na pondo ang mga programa at proyekto base sa kanilang inilatag na plano.
“Duyon ginapasalig ko ron sa atong mga pumueoyo nga kami sa Sangguniang Panlalawigan, duyon do amon nga padayon nga mandato ag amon don nga pagasundon ag ipaga-implementar”, saad ng bise-gobernador.
Sa ilalim aniya ng naturang AIP, maglalaan ng malaking pondo ang gobyerno-probinsiyal sa COVID-19 response at social services.
Dagdag pa ng bise-gobernador na obligasyon nila na tumulong, magbigay ng suporta at ayuda sa mga mamamayang Aklanon kaya maglalaan sila ng malaking pondo para sa mga programa at proyektong may kinalaman sa pagtugon sa problemang dulot ng pandemya.
Binigyan-diin nito na hindi sila naka-upo sa puwesto upang magnegosyo o kumita kundi magbigay ng serbisyo.
“Owa kita iya para mag negosyo o magka-kita kundi magtao it serbisyo,” dagdag pa nito.
Sa ngayon aniya ay hindi pa siya makakapagbigay ng eksaktong halaga sa bawat proyekto at programa dahil ito ay proposals pa lamang at hindi pa siguradong mapopondohan.
“…for now, dahil mga proposals pa eamang ro AIP ngara. I call it proposals dahil bukon pa it sigurado nga mapondohan sanda sa atong annual budget.”
Samantala, ipinahayag ni Quimpo na ang AIP ay matatawag na ‘wishlist’ dahil ito ay mga proyekto pa lamang na iminungkahi ng mga ahensya o departamento at ng Local Government Unit (LGU) na nais ma-implement kung mayroon ng sapat ng pondo.