Connect with us

Aklan News

PAG APRUBA NG EARLY RETIREMENT NI ENGR. ALEXIS REGALADO SA AKELCO, IPINAGPALIBAN MUNA NG AKELCO BOARD

Published

on

Ipinagpaliban muna ng AKELCO Board of Directors ang resolution sa pag apruba ng early retirement ni dating AKELCO GM Engr. Alexis Regalado sa kanilang isinagawang meeting kahapon.

Sa eklusibong panayam ng Radyo Todo kay Atty. Ariel Gepty, AKELCO Board Secretary/Spokesperson, nilinaw nito na nasa floating status ngayon si Engr. Regalado dahil kailangan niya munang mag sumite ng komento sa sa inilabas na internal audit findings ng AKELCO internal auditor.

Ayon pa kay Gepty, limang araw mula ng matanggap nito ang sulat ng Board, ang binigay nilang palugit kay Regalado para magsumite ng komento sa audit findings na inilabas lamang kahapon, Mayo 7.

Base sa magiging sagot nito, reresolbahin ng AKELCO board kung mabibigyan ng clearance si Regalado para tanggapin ang retirement benefits.

Niliwanag din ni Gepty, na naunang nag sumite ng letter of intent for early retirement si Regalado na may petsang Mayo 3, samantalang Mayo 7, naman umano lumabas ang audit report.

Dagdag pa niya na dumadaan naman lahat umano ito sa due process lalo at clearance ang hinihingi ni Regalado sa mga Board of Directors para sa kanyang early retirement.

Pahayag pa ni Gepty, na ang nasabing audit findings ay hindi naman lahat nakatuon kay Regalado kundi maging ang kontraktor ay kanila umano pasasagutin.

AUDIT FINDINGS

Base sa inilabas na audit report ng AKELCO internal auditor may mga transaksyon na ginawa si Engr. Alexis Regalado na walang pahintulot sa AKELCO Board of Directors.

Una, pinayagan umano ni Engr. Regalado ang contractor na Mega Power Sales and Services, Co. na humiram ng mga electrical materials na pagmamay ari ng AKELCO na nagkakahalaga ng P1, 260, 850.00 subalit nasa P47, 910 lamang umano na halaga ng materyales ang naibalik ng kontraktor.

Pangalawa, ang pagtanggap ng mga materyales na diniliver ng Mega Power Sales and Services, Co. sa AKELCO na nagkakahalaga ng P4, 274, 875.00 na walang kaukulang dokumento katulad ng kontrata at notice to proceed na klarong paglabag sa NEA Memorandum No. 2017-019 o Revised Procurement Guidelines and Procedures for Electric Cooperatives.

Pangatlo, ang special project ng AKELCO at ng Mega Power Sales and Services sa Brgy. Bagongbayan, Buruanga na nagkakahalaga ng P33, 700, 556.45 kung saan nag execute ng Affidavit of Undertaking ang AKELCO Management sa nasabing kontraktor na walang approval sa AKELCO board.