Aklan News
Pag-serve ng alak sa mga hotel para sa mga in-house guest sa Aklan, papayagan na


Papayagan na ang pag-serve ng nakalalasing na inumin o alak para sa mga in-house guest sa mga accredited hotels o accommodation establishments sa Aklan.
Batay ito sa inilabas na executive order ng Aklan Government na nagpapalawig ng implementasyon ng EO. NO. 005-D.
Samantala patuloy pa ring ipinagbabawal ang indoor dine-in sa lahat ng kainan sa probinsya.
Habang papayagan naman ang Al Fresco o outdoor dining sa mga restaurants at iba pang establisyemento.
Nakasaad din sa EO na ang lahat ng LGUs ay dapat mahigpit ang implementasyon ng ordinansya at pagpapatupad ng iisang penalidad para sa mga lumalabag ng minimum health standard protocols.
Continue Reading