Connect with us

Aklan News

Pag-shoplift ng 2 menor de edad sa isang convenience store sa Kalibo, nahulicam

Published

on

Pag-shoplift ng 2 menor de edad sa isang convenience store sa Kalibo, nahulicam

HULI sa CCTV ang dalawang menor de edad na nagsa-shoplift sa isang convenience store sa Roxas Avenue Ext, Andagao, Kalibo nitong Huwebes ng umaga.

Ang mga nasabing menor de edad ay nasa edad 16 at 15 pa lamang.

Ayon sa mga bantay ng nasabing convenience store, kinuha umano nila ang 2 body spray at inilagay sa kanilang underwear.

Agad nila itong hinarang bago pa makalabas at dito na nila narekober ang 2 body spray.

Agad namang nirespondehan ito ng Kalibo PNP at inireffer sa WCPD Section ang nangyaring insidente.