Connect with us

Aklan News

Pagbabakuna ng anti-rabies vax sa mga ‘new patient’ ng Animal Bite Center, itinigil muna

Published

on

Pansamantalang itinigil ng Provincial Health Office (PHO) Aklan ang pagbabakuna ng anti-rabies vaccine para sa mga bagong pasyente ng Animal Bite Center.

Ayon sa PHO Aklan ito ay habang hinihintay pa nila ang pagdating ng bagong suplay ng bakuna sa lalawigan.

Magpapatuloy naman ang bakunahan para sa mga follow-up patients upang makumpleto ang kailangan nilang doses.

Samantala, bukas naman ang ibang mga pribadong animal Animal Bite Center sa bayan ng Kalibo para sa mga animal bite vaccination sa mga new patient.