Aklan News
PAGBABAWAL SA PAGPASOK NG TAO SA AKLAN, IPAGPAPATULOY PAGKATAPOS NG APRIL 30
MAHIGPIT pa ring ipagbabawal ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang pagpapapasok ng mga tao sa Aklan kahit manggagaling sa mga katabing lalawigan sa Panay island pagkatapos ng April 30.
Ito ay kahit ibaba ng National Inter Agency Task Force Against COVID 19 sa General Community Quarantine ang status ng Aklan.
Ayon kay Governor Miraflores, ang mga taong manggagaling sa Iloilo, Capiz at Antique ay hindi muna papapasukin sa Aklan dahil patuloy pa rin ang pagdami ng COVID 19 confirmed cases sa mga lugar na ito at meron pang local transmissions.
Itob ay hanggang masiguro na wala ng virus mula sa mga lugar na ito.
Ayon sa Gobernador, mas lalo nila ngayong hinigpitan ang mga borders lalo na sa Antique kung saan marami na ang mga nagpopositibo.
Magpupulong naman ngayong araw ang Aklan IATF para pag usapan ang posibilidad na pagpapauwi ng mga Aklanon na nastranded sa mga katabing lalawigin at kung ano ang mga dokumentong kailangan nilang ipakita.
Pag uusapan din sa pagpupulong, kasama ang mga Mayor, ang posibleng pagpapauwi na sa kani-kanilang bayan sa Aklan ng mga Aklanon na nastranded sa isla ng Boracay at ibang bayan.
Samantala, ang mga seafarers naman na OFW ay papayagang makabalik sa Aklan kung sila ang naka undergo sa mandatory 14 days quaratine pagdating sa Pilipinas.
Kailangan nilang ipakita ang Health Certificate at travel documents at pagdating sa Aklan ay muling isasailalim sa 14 days quarantine sa Aklan Training Center at specimen testing para sa COVID 19 bago tuluyang pauuwiin sa kanilang tahanan.