Connect with us

Aklan News

PAGBABAYAD NG DELINQUENT REAL PROPERTY TAXES NA WALANG INTEREST AT PENALTIES, PINALAWIG NG AKLAN PROV’L GOVERNMENT

Published

on

Inaprubahan ng Aklan Sangguniang Panlalawigan sa kanilang ika-135th regular session ang pagpapalawig sa pagbabayad ng delinquent real property taxes na walang interest, penalties at surcharges.

Ito ay base sa naging rekomendasyon ng Committee on Appropriation, Budget and Finance and Ways and Means sa isinagawang committee hearing noong February 15, 2022.

Ang rekomendasyon ng komitiba ay kasunod ng kahilingan ni Aklan Governor Florencio Miraflores at lahat ng municipal treasurers na amyendahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Provincial tax Ordinance No. 2021-003.

Ang nasabing ordinansa ay nagkokondona sa lahat ng interest, penalties at surcharges ng real property taxes sa buong lalawigan ng Aklan na hindi pa nababayaran simula pa noong taong 2018 hanggang 2021.

Subalit dapat umano itong bayaran ng buo ngayong taong 2022 ng hindi lalagpas sa June 30, 2022.

Ang naging hakbang na ito ng provincial government ay upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng real property owners na mabayaran ang kanilang real property taxes na hindi pa nabayaran dahil sa naging epekto ng covid-19 sa lalawigan ng Aklan.