Aklan News
Pagbaril-patay sa isang lalaki sa Libas, Banga posibleng konektado sa nangyaring pananaga sa bayan ng Balete – Banga PNP
MALAKI ang posibilidad na konektado sa insidente ng pananaga sa bayan ng Balete noong Oktubre a-7 ang nangyaring pagbaril-patay sa isang lalaki sa barangay Libas, Banga, Aklan kahapon.
Ito ang inihayag ni PCapt. Benny Jones Mendoza, hepe ng Banga PNP sa panayam ng media nitong Huwebes.
“Daya ro ginatutukan naton nga mabahoe nga posibilidad nga ro krimen nga natabo iya sa banwa it Banga, partikular gid una sa Barangay Libas hay konektado sa insidente ngato,” ani PCapt. Mendoza.
Aniya, ang binaril-patay na si Marte Dalida ay isa sa mga person of interest sa nangyaring hacking incident noong Oktubre 7 sa bayan ng Balete kung saan inaresto ito ng mga kapulisan ngunit pinalaya din matapos aminin ng kanyang bayaw ang ginawang krimen.
“Ruyon gani, nagaguwa ro insidente natabo ku Oktubre 7, kat hacking incident hay sambilog imaw sa person of interest. Actually, gin-apprehend imaw ra ugaling due to reclamatory period hay gin-released man imaw dahil ro sambilog ta nana ngato nga bayaw naga-ako,” saad ng hepe.
Ayon pa sa Banga PNP, ikinokonsidera nilang motor riding ang suspek na bumaril-patay kay Dalida.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan sinundan ng mga suspek ang biktima kung saan pagdating sa nasabing lugar ay binaril nila ito.
Nakasuot umano ng pulang helmet, asul na jacket, itim na pantalon at sapatos ang rider ng motor samantalang naka-itim na helmet, gray jacket na may puting stripes, itim na pantalon at naka-tsinelas naman umano ang backrider nito.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Banga PNP sa nangyaring krimen upang matukoy kung sino ang mga salarin.