Aklan News
PAGBIBIGAY NG TRAVEL PASS NG BAWAT MUNISIPYO, LILIMITAHAN NA SA 15 KADA ARAW – PHO AKLAN
Lilimitahan na ang pagbibigay ng travel pass ng bawat munisipyo sa 15 kada araw ayon kay Doc. Cornelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office (Aklan PHO).
Ito umano ang napagkasunduan nila Mayor Emerson Lachica ng Kalibo at ng lahat ng mga alkalde sa Aklan sa nakaraang pagpupulong ng Provincial Inter-Agency Task force para malimitahan ang pagpunta ng mga tao sa Kalibo.
Nilinaw naman nito na hindi na kasama sa mga kailangan kumuha ng travel pass ang mga may medical emergency, APOR (Authorized Person Outside Residence) at ang may mga hawak na certificate of employment at ID mula sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Dagdag pa ni Cuachon, pansamantala lang naman ang hakbang na ito para mas ma limitahan ang paggalaw ng mga tao at ang pagkalat ng COVID-19.