Connect with us

Aklan News

PAGBUHOS NG MAS MARAMING TURISTA ASAHAN DAHIL SA LOVEBORACAY – MALAY TOURISM OFFICE

Published

on

ASAHAN ang muling pagbuhos ng maraming turista sa isla ng Boracay dahil sa gaganaping LoveBoracay.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Felix Delos Santos, hepe ng Malay Tourism Office, sinabi nito na muling idadaos sa isla ang kinagigiliwang LoveBoracay ngayong taon.

Batay aniya sa naging meeting ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang LoveBoracay ngayon taon ay magsisimula sa Abril 26 hanggang Mayo a-1.

Ito ay dahil sa pagdami ng mga turistang bumibisita sa isla kasunod ng muling pagbubukas ng pinto para sa mga foreign tourist at pagluwag ng travel restriction sa bansa.

Ngunit ayon kay Delos Santos, ang selebrasyon ng LoveBoracay ngayong taon ay sesentro sa sustainability concept.

Sa pamamagitan nito ay mababalanse ang paglago ng turismo at pangangala sa kagandahan ng isla.

Saad pa nito na asahan na mas maraming environmental activities ang kanilang isasagawa para sa LoveBoracay.

“It is more on series of activities gid, kay sang una it’s a beach party. Makara it is more on the sustainability concept…ga balance within the tourism, the environment. So it is more on environmental activities to strengthen environmental awareness.”

“We really encourage them to be a responsible tourist and join our advocacy for the sustainable tourism it aton nga isla it Boracay,” dagdag pa ng hepe ng Malay Tourism Office.

Magugunitang dahil sa pagpapasara sa isla noong upang bigyan-daan ang rehabilitasyon matapos tawaging “cesspool” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay noong taong 2018 ay natigil ang pagdaos ng nasabing event.

Mas lalong nawala ito nang tumigil ang operasyon ng isla dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang LoveBoracay ay taunang idinadaos noon sa Boracay at itinuturing na pinakamalaking beach party sa isla.