Connect with us

Aklan News

PAGDAMI NG PASAHERO SA KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT INAASAHAN DAHIL SA PAGLUWAG NG TRAVEL REQUIREMENTS

Published

on

INAASAHAN ang muling pagtaas ng bilang ng mga pasaherong papasok at lalabas sa Kalibo International Airport kasunod ng pagluwag ng travel requirements sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay matapos tanggalin na ang negative RT-PCR result bilang requirement sa mga papasok sa lalawigan sa bagong Executive Order na ipinalabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)–Aklan Manager Engr. Eusebio Monserate Jr., sinabi nito na dahil sa pagtanggal ng nasabing requirement ay inaasahan nila ang muling pagdagsa ng mga pasahero sa Kalibo International Airport.

Aniya, dahil dito ay nagsagawa na rin sila ng mga pagpupulong kasama ang mga stakeholders at mga operation units upang paghandaan ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga biyahero sa paliparan.

Kasama sa kanilang inihanda ay ang set-up ng kanilang terminal building upang masigurong nasusunod ang ipinapatupad na minimum health standard ng pamahalaan.

Saad pa ni Monserate, dahil kakalabas pa lamang ng nasabing executive order, wala pang masyadong pasahero subalit inaasahan nila ang pagdami nito sa mgab susunod na araw.

Dagdag pa ni Monserate na ito’y magandang pagkakataon para sa kanila upang makapaghanda sa muling pagbabalik sa dating sigla ng paliparan.

Mas inaasahan nilang marami ang mga pasaherong dadaan sa Kalibo International Airport na tutungo sa isla ng Boracay ngayong summer season.