Connect with us

Aklan News

Paghahanda ng security forces para sa ligtas na halalan 2025, kasado na

Published

on

‎KASADO na ang paghahanda ng mga security forces sa Aklan para sa pagsiguro ng ligtas at mapayapang halalan ngayong taon.
‎Sa isang Provincial Joint Security Control Center Conference (PJSCC) na isinagawa nitong Martes, Mayo 6, pinagtibay nito ang collaborative efforts sa pagitan ng mga mga ahensya gayundin ang pagsusuri ng kahandaang tugunan ang mga hamong kinakaharap ng mga ito.
‎Pinangunahan ng Commission on Elections (COMELEC-Aklan) ang PJSCC Conference katuwang ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard.
‎”It is my appeal to our law enforcement to work hand in hand to avoid any atrocity in this province. I encourage the PNP and AFP to intensify joint operations, including checkpoints and other security measures, for an orderly National ang Local Elections 2025 in the Province of Aklan,” pahayag ni Provincial Election Supervisor Atty. Roberto Salazar.
‎Kaagapay rin ng mga security forces sa Aklan sa halalan ang mga personnel mula sa PDRRMO-Aklan, MDRRMO ng bawat bayan, Provincial Health Office-Aklan, at BFP. l Ulat ni Arvin Rompe