Aklan News
Pagiging aktibo ng BADAC sa mga barangay dahilan ng 100% drug-free Aklan
IPINUNTO ni PDEA Aklan Acting Provincial Officer Investigation Agent III Jose Ramir Batuigas na dahil sa aktibong partisipasyon ng Barangay Anti-Drug Council (BADAC) sa mga barangay para sa pagpapaigting ng kampanya kontra illegal na droga kaya naging 100% drug free na ang lalawigan ng Aklan.
Sa katunayan ayon kay Batuigas, noong nakaraang taon pa ay drug-free na ang mga barangay sa Aklan at ito ay kanilang kinumpirma sa kanilang isinagawang Regional Oversight Committee nitong Setyembre a-13 batay na rin sa report na kanilang nakita sa Regional Office.
Nilinaw rin nito na kahit drug free na ang Aklan ay magpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon kontra illegal na droga.
Aniya pa, ang mga anti-illegal drug operations na nangyayari kahit idineklara nang drug free ang lalawigan ay bahagi na lamang ng sustainability ng mga kabaranggayan.
“Actually for the information na rin ng lahat, ‘yong mga operations, mga anti-illegal drug operations na nangyayari po even na-declare na drug free na yong ating mga barangays is part lang ng atong sustainability. Ibig sabihin po active yung ating BADAC at nasu-sustain po natin yung ating drug-cleared status sa ating mga kabarangayan,” pahayag ni Batuigas sa panayam ng Radyo Todo.
Ang lahat din aniya na mga drug surenderers ay isinailalim na nila sa Community-Based Rehabilitation Program.
Binigyan-diin ni Batuigas na hindi nangangahulugan na drug free na ang mga barangay sa Aklan ay titigil na sila sa kampanya kontra iligal na droga.