Connect with us

Aklan News

PAGKAKAROON NG SARILING COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM MAHALAGA AYON SA BARANGAY POBLACION KALIBO

Published

on

Photo Courtesy| Unsplash

Nakitaan ng kahalagahan ng barangay Poblacion, Kalibo ang pagkakaroon ng sariling Solid Waste Management Program.

Dahil dito ay nagsagawa sila ng public hearing upang mapag-usapan ang pagsasabatas ng “An ordinance Creating the Comprehensive Ecological Solid waste Management Program of Barangay Poblacion Kalibo”, nitong araw ng Biyernes, Nobyembre 12.

Ayon kay punong barangay Niel Candelario, kailangan nilang magkaroon ng sariling programa dahil mayroon aniyang mga probisyon sa kasalukuyang programa ng bayan ng Kalibo na hindi applicable para sa ilang mga barangay.

Inihalimbawa ni Kapitan Candelario ang mga penalties dahil ayon sa kanya ay mga mga limistasyon ang barangay kung saan iba rin naman ang sa munisipyo.

Dagdag pa nito na mas makakatulong sa ikaaayos at ika-uunlad ng kanilang barangay kung mas paiigtingan pa nila ang “No segregation, no collection policy”.

Sa ngayon ayon kay Candelario ay naghahati sila ng LGU Kalibo sa pagkolekta ng basura kung saan sakop ng kanilang koleksyon ang ilang bahagi ng C. Quimpo Street, Rizal Street, C. Laserna Street hanggang Oyotorong Street.

Pahayag pa nito na mayroon sariling dump truck at sariling tauhan ang barangay poblacion para dito.

Samantala, ang LGU Kalibo naman ang namamahala sa koleksyon ng mga basura sa malaking bahagi ng bayan lalo na sa mga residential at komersyal.

Kaugnay pa nito nais nilang magkaroon ng sariling Materials Recovery Facility (MRF) kung saan mandatu ito ng pamahalaan sa bawat barangay sa isang LGU.

Subalit, hindi pa nila alam kung saan sila maglalagay ng MRF dahil wala silang sariling lote na pagtatayuan nito.

Sa ngayon ay nakikipag-usap pa lamang siya sa barangay Mobo na kung maaari ay makihati muna sila sa pagkakaroon nito.

Samantala, ipinahayag ni Candelario na habang wala pa silang sariling MRF ay gagawa nalang muna sila ng maliit na MRF para sa maayos na segregation ng mga basura sa barangay Poblacion Kalibo.