Connect with us

Aklan News

Pagkakaroon ng sariling gasoline station, pinag-aaralan ng LGU-Kalibo

Published

on

Bawas Presyo ng Langis Inaasahan Bukas

Pinag-aaralan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang posibilidad na pagkakaroon ng sariling gasoline station.

Sa session ng Kalibo Sangguniang Bayan nitong Lunes, inihayag ni Kalibo Sangguniang Bayan Member Matt Aaron Guzman, Committee Chairman on Transportation ang kanyang rekomendasyon kay Mayor Juris Bautista Sucro na pag-aralan ang posibilidad na makapagpatayo ng sariling gasolinahan ang LGU Kalibo.

Kapag ito ay natuloy, pangangasiwaan ito ng Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO).

Ayon pa sa konsehal, kapag nagkaroon na sariling gasolinahan ang LGU-Kalibo ay dito na kukunin ang ilalagay na gas sa mga utility vehicles ng bayan ng Kalibo.

Aniya pa, maaaring makapagbigay din ito ng dagdag na kita para sa MEEDO.