Aklan News
PAGKATAPOS NG COMMUNTY QUARANTINE, DAPAT MAIBALIK ANG TURISMO SA BORACAY
GUMAGAWA na ng mga plano sina Aklan Governor Florencio Miraflores kung papaanong maibalik kaagad ang turismo sa isla ng Boracay kapag natapos na ang community quarantine sa bansa.
Ito diumano ang pinakamalaking hamon na kinakaharap ngayon ng probinsya.
Gustong maipakita ng Gobernador sa mga turista na safe na ang pagtungo sa Boracay dahil wala ditong kaso ng COVID 19.
Isa sa mga paghahandaang gagawin ay ang paglalagay ng laboratory kung saan ang nga turistang darating ay isasailalim sa test gamit ang Real-time Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) machine para malaman kaagad kung wala itong coronavirus bago papasukin sa isla.
Maraming Aklanon ang makakabalik sa kanilang kabuhayan at trabaho kapag nagbukas muli ang turismo sa Boracay.
Ganun din ang collection ng local revenue na gagamitin para sa delivery ng social services sa mga Aklanon.