Aklan News
PAGKONTRA NI SP MEMBER SODUSTA SA PLANONG PAG-UTANG NG AKLAN LGU, HINDI DAHIL SA POLITIKA
Nilinaw ni Sangguniang Panlalawigan member Atty. Immanuel Sodusta na hindi dahil sa politika kaya siya nagdesisyong mag-abstain sa proposisyong pag-utang ng provincial government ng P148 million pesos upang pondohan ang mga programa at proyekto sa probinsiya ng Aklan.
“…hambae nakon hay improper siguro makon dun Vice Gov. nga hambaeon ta nimo nga pamulitika ron ay gaistorya ta kita iya sa Sangguniang Panlalawigan parte ta sa aton ngarang ordinansa, ag hambaeon nimo nga dahil sa election gina-ubra namon ra, bukon ta siguro makon it eksaktong pabangdan mo kami karon, ag iya during the session”, ani SP Sodusta.
Sa programang Todo Aksyon, sinabi ni Atty. Sodusta na hindi siya sumang-ayon dito dahil para sa kanya ay hindi angkop na mangutang ang probinsiya para lamang ipagawa ng mga imprastraktura lalo na ngayong pandemya.
Ayon pa kay Sodusta na sa committee level pa lang ayon sa kanya ay nag-abstain na siya at makikita iyon sa kanilang record.
“…hambae nakon hay, una sa record makon hay tan-awa, nga sa committee paeat-a hay nag-abstained eot-ang, una ta, pagpirma nakon ginbutangan kot-a nga naga-abstain ako dikaron”, saad ni Sodusta.
Isiniwalat ni Sodusta na ang pondong uutangin ng probinsiya ay mapupunta sa pagpapagawa ng Kalantiaw Shrine sa bayan ng Batan, multi-purpose hall sa bayan ng Balete at slaughter house naman sa Tangalan at iba pang mga bayan sa Aklan.
Aniya, ang nasabing mga proyekto ay hindi naman dapat na pondohan ng probinsiya dahil pwede naman itong mapondohan ng kanya-kanyang mga Local Government Unit (LGUs).
Ngunit ang sagot aniya sa kaniya ay babalik din umano ang kita nito sa probinsiya sa pamamagitan ng mga taxes.
Giit ng opisyal na maganda sana ang hangaring kung may pera dahil ito’y para sa ikauunlad ng Aklan.
Saad pa ni Atty. Sodusta na ang perang dapat nakalaan sa mga nabanggit na proyekto ay ginamit umano upang tugunan ang problema sa COVID-19.