Connect with us

Aklan News

Pagnanakaw ng panabong na manok sa Tigayon Cockpit Arena, sapul sa CCTV

Published

on

SAPUL sa CCTV ang isang lalaking nagnanakaw ng panabong na manok sa may Tigayon Cock Pit Arena nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa may-ari ng manok, ala-una ng hapon nang madiskubre nito na wala na ang kaniyang panabong na manok na nakalagay sa isang kulungan.

Nang tingnan sa CCTV, dito nakita ang lalaking suspek na kalbo, nakasuot ng itim na damit at naka asul na jersey short na bitbit ang manok at nagmamadaling umalis sa lugar.

Agaran namang iniulat ng may-ari sa mga pulis ang nangyari.

Samantala nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa insidente.