Aklan News
Pagpapalabas ng resulta ng RT-PCR mula sa molecular laboratory ng Aklan, aabot sa 5 araw
Naglabas ng advisory nitong Hulyo 23, 2021 ang Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) Molecular Laboratory na nag-aabisong limang araw na ang maximum turn-around time o paglabas ng resulta ng mga RT-PCR tests.
Ayon din sa naturang advisory, umaabot ng lampas 600 ang natatanggap na samples kada araw, taliwas sa maximum na 200 hanggang 250 na maximum daily capacity lamang ng laboratoryo.
Dahil sa sitwasyong ito, dinagdagan na ng DRSTMH Molecular Laboratory sa 300-350 ang kanilang daily testing capacity.
Limang araw matapos ang RT-PCR test at wala pa ring inilalabas na resulta, saka pa lamang maaaring mag-follow-up ang disease reporting unit.
Pinaaalalahanan din ang lahat na limitahan o iwasan ang pagtatanong sa mga tauhan ng laboratory kung hindi naman kagyat o mabigat ang pangangailangan.
Hinihikayat naman ng pamunuan ng DRSTMH Molecular Laboratory na makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng kanilang e-mail address na [email protected] o tumawag sa mga numerong (036) 268-7062 loc 407, mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, para sa mahahalagang katanungan.