Connect with us

Aklan News

Pagpapalayas ng pamangkin sa kanyang tiyuhin sa bahay nito, nauwi sa suntukan

Published

on

Nauwi sa suntukan ang pagpapalayas ng pamangkin sa kanyang tiyuhin sa sarili nitong pamamahay sa Purok 6, C. Laserna St., Poblacion, Kalibo nitong Linggo, Marso 10.

Ayon sa 32-anyos na pamangkin na si Garry Panagsagan, nag-ugat ang kanilang away dahil kinausap nito ang kanyang tiyuhin na umalis na sa kanilang bahay dahil nagdadalaga ang kanyang mga anak.

Sumagot naman umano ang tiyuhin na nag-aambag naman siya sa gastusin sa bahay hanggang sa nagsuntukan silang dalawa at dinala sa istasyon ng pulis.

Napag-alaman na anim na taon ng namamalagi sa bahay ni Panagsagan ang kanyang tiyuhin kahit na mayroon naman itong mga anak.

Wala naman umanong plano ang dalawa na magsampa ng kaso sa isa’t-isa.