Aklan News
Pagpapasara ng mga babuyan sa Andagao at Pook nagpapatuloy
Nagpapatuloy pa rin ang pagpapasara sa mga babuyan na pinatawan ng closure order ng lokal na pamahalaan ng Kalibo.
Bumalik ngayon ang Joint Inspection Team ng LGU Kalibo sa Brgy. Pook at Andagao para hakutin ang mga baboy mula sa mga babuyan na ipinasara dahil sa reklamo ng mga residente.
Batay sa lokal na pamahalaan, nakadepende sa mga may-ari kung saan nila ililipat ang mga alagang baboy.
Ang ilan sa mga ito ay isinakay na sa truck para dalhin at i-relocate sa bayan ng Ibajay.
Siniguro naman ng LGU ang pag-asisst sa pagtransport ng mga baboy sa mga paglilipatan nito.
Kahapon lang, Setyembre 27, sinimulan ang pagpapatupad ng Executive Order ni Mayor Juris Sucro na nag-uutos na ipasara na ang walong inirereklamong babuyan sa mga residential areas dahil sa hindi kaaya-ayang amoy ng mga ito.
Isa rin ito sa mga hakbang na ipinatupad para maisaayos ang matagal ng problema at masiguro ang kaligtasan ng mg residente sa lugar.