Aklan News
Pagpapatayo ng bagong mukha ng Kalibo Public Market, tuloy; orihinal na disenyo, may rebisyon?
Ipinasiguro ni Kagawad Mark Sy, Chief of Barangay Affairs ng LGU Kalibo na tuloy na ang pagpapatayo at pagkakaroon ng bagong mukha ng Kalibo Public Market.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Sy, inilahad nito na sinisikap ngayon ng lokal na pamahalaan na bago matapos ang 100 days ni Kalibo Mayor Juris Sucro ay makapagsagawa na ng groundbreaking para sa naturang merkado.
Aniya pa, sa nasabing lugar pa rin itatayo ang Kalibo Public Market at susundin pa rin nila ang naunang plano ng nakaraang administrayon ngunit magkakaroon lamang ng kaunting rebisyon sa naunang desinyo nito.
Ipinaliwanag nito na sa pakikipag-usap ni Mayor Sucro sa mga magagaling na engineers sa bansa, hindi sapat ang pondong nakalaan na P300-million para sa balak na 5-storey building.
Dahil dito, ay may kaunting babaguhin lamang sa disenyo ayon kay Sy at ipinasiguro naman aniya ng alkalde na maipagmamalaki ng mga Kalibonhon ang magiging bagong mukha ng merkado publiko.
Sa katunayan aniya ay inihahanda na ni Mayor Sucro ang mga dokumentong kakailanganin sa pagpapagawa ng merkado upang masimulan na nila ang bidding para sa nasabing proyekto.
“Ro plano it munisipyo, original plan nga magapatindog it public market sa duyon ngaron nga lugar pagasundon ta ron ni Mayor ag matupad ta ruyon. Ginapahaum eon ni Mayor do mga papeles para ipatigayon ro pag-schedule it pag-bidding sa ruyon ngaron nga public market. Medyo may sangkiri eang gid nga ibahon sa disensyo. Kasi nagpangunsulta si Mayor sa mga mangin-aeamon nga Engineers ag medyo bukon hingan it sapat ro P300-million sa limang grado nga structure. Medyo kueang ro pondo. So, medyo umanon eang yata it sangkiri ag may bag-uhon eang sa disenyo nga sangkri. Pero probably, this year hay maumpisahan eon do costruction. Dahil gusto ni Mayor nga bago matapos ro anang 100 days, ginatinguha gid makaron nga maka-groundbreaking eon kita sa aton nga bag-ong public market,” salaysay ni Sy.