Aklan News
PAGPAPATIRA NI KAPITAN BRIONES SA ISANG PAMILYA SA HOUSING UNIT NG NHA SA BRGY. BRIONES, KALIBO, HINDI TAMA AYON SA LGU-KALIBO
HINDI tama ang ginawang pagpapatira ni Punong Barangay Rafael Briones sa isang pamilya sa housing unit ng National Housing Authority (NHA) sa Brgy. Briones, Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Kalibo Mayor Emerson Lachica sinabi nito na hindi tama ang ginawang aksyon ni kapitan Briones dahil ang nasabing housing project ay mayroong alituntunin mula sa NHA at hindi puwedeng basta-basta na lamang ito patirahan ng kung sinu-sino ng walang pahintulot.
“ ro aton abi ngaron nga housing project sa brgy. Brinones hay mat sueondanan karon ro atong National Housing Authority (NHA) ag indi ta puwede nga basta-basta ka nga maka-istar nga owa it pahinugot,” pahayag ni Mayor Lachica.
Sa katunayaan ayon sa alkalde, ang nasabing mga housing unit ay may mga nakaline-up ng beneficiary na validated na ng national housing.
Dagdag pa nito, ang nasabing proyekto ay sa panunungkulan pa noon ni former Mayor William Lachica para sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda noong 2013.
“Duyon abi nga housing project ngaron hay sa time pa ni former Mayor William Lachica, ku typhoon Yolanda pa ron ag may mga naka line up eot-a karon ag navalidate eon ron it national housing kung sanday sin-o ro beneficiary karon,” saad pa ng alkalde.
Aniya pa, malapit nang mapuno ang nasabing mga housing unit dahil ang iba umano dito ay hindi pa nakapagpapakabit ng tubig at kuryente at ito ang sinasabing hanggang ngayon ay bakante pa.
“… dali lang man mapuno ron, ro iba abi karon hay owa pa nakapatakod it kuryente ag tubi that’s why nga may bakante pa ron una,” ani Lachica.
Samantala, sinabi ni Mayor Lachica na ang pamilya Villorente na pinatira ni Kapitan Briones sa Block 8, Lot 29 ay hindi basta lamang nawalan ng bahay kundi dati na itong may bahay.
Saad pa ng alkalde, kung totoong naaawa si Briones sa pamilya ay dapat pinatira na lamang niya ito sa kaniyang bahay o kaya sa kanilang barangay hall.
Dahil dito ay binigyan ng lokal ng pamahalaan ng Kalibo si punong barangay Briones ng limang araw upang magsumite ng kanyang paliwanag ukol sa nasabing isyu.