Aklan News
PAGPASOK NG IBANG TAO MULA SA IBANG LUGAR SA KALIBO, BAWAL NA
Kalibo, Aklan – Mahigpit na ipinagbabawal na ang pagpasok ng ibang tao mula sa iba’t-ibang lugar sa bayan ng Kalibo.
Ito ay sa ilalim ng Executive Order 035 na mandato ni Kalibo Mayor Emerson Lachica kasunod ng anunsyo ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan na may 3 nang kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Nakasaad sa Sec. 2 ng EO 035 ang regulasyon na nagbabawal ng pagpasok ng mga tao sa Kalibo maliban sa mga sumusunod: Residente ng Kalibo na nagtatrabaho sa ibang munisipalidad na may patunay ng kanilang employment at lahat ng empleyado na nabanggit sa Section 4 at 6 ng EO 20 na inamyendahan ng EO 20-A.
Sa pinakahuling datos ng PHO-Aklan, may 3 nang nagpositibo sa coronavirus disease sa Aklan mula sa mga bayan ng Kalibo, Malay at Libacao.
Nasa stable condition naman ang mga ito at mahigpit na sumasailalim sa quarantine.
Basahin dito kung sinu-sino ang mga taong maaaring makapasok ng Kalibo.