Connect with us

Aklan News

PAGPASOK NG MGA TRAVELLERS SA AKLAN MULA MECQ AT ECQ AREAS, LILIMITAHAN LANG SA MGA APORS AT RETURNING OFWs

Published

on

Aklan Travelers

Mga APORS at Returning OFWS lang ang papayagang makapasok sa probinsiya ng Aklan mula sa MECQ at ECQ areas batay sa Executive Order No. 005-B section 1(b) na inilabas ng provincial government.

Ang mga APORs na maaaring makapasok sa probinsiya ay mga sumusunod:

  • Health and emergency frontline services
  • Uniformed personnel, Government officials/employees
  • Authorized humanitarian assistance actors (HAAs)
  • Persons traveling for medical/humanitarian reason
  • Anyone crossing zones for work/business permitted in the zone of destination.

Kailangan pa ring magsumite ng negative RT PCR result ang mga APORs kabilang ang mga biyahero na hindi galing sa Western Visayas.

Ang mga repatraited OFWs o returning OFWs naman na may quarantine certificate mula sa DOH/BOQ ay papayagan ring makauwi sa Aklan.

Samantala, ang mga travellers mula sa GCQ o MGCQ areas na dadaan sa MECQ o ECQ areas, ay kailangang magsumite ng S-Pass, at travel coordination permit mula sa probinsiya.

Continue Reading