Connect with us

Aklan News

Pagproseso ng lisensiya, naantala ng pagkasira sa laser engraver – LTO Aklan

Published

on

Naantala ang pagpaparehistro at renewal ng mga lisensiya sa Land Transportation Office (LTO) Kalibo District Office dahil sa pagkasira ng kanilang laser engraver na ginagamit sa pag-iimprenta ng mga driver’s license card.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Engr. Marlon Velez, hepe ng LTO Aklan, mag-iisang buwan na aniya na walang issuance of plastic cards para sa kanilang driver’s license ang kanilang opisina.

“It’s almost 1 month nga wala kami issuance of plastic cards sa aton nga mga driver’s license because nasamad do amon laser engraver nga naga-imprenta sang mga driver’s license card,” paliwanag ni Engr. Velez.

Paglilinaw naman ng opisyal, kaagad nila itong ipinadala sa kanilang central office sa Metro Manila upang maipa-ayos ang nasirang laser engraver dahil hindi ito maaaring ipaayos sa mga local techinician o kahit ng LTO Region 6 techinician.

Tanging ang mga trained technician lamang ng LTO Central office ang maaaring umayos dito dahil may mga parte ng nasirang laser engraver ang kailangang palitan na hindi available sa bayan ng Kalibo at lalawigan ng Aklan.

“Pagkasamad last sa week of April, immediately ginpadala namon sa Metro Manila ang nasambit nga laser engraver because indi ini pwede nga tandugon sang mga local technician or bisan ang amon nga accredited nga techinicians sa Region 6″.

“Dapat ang trained nga techinician didto sa central office sa Metro Manila ang maga-ubra sini because may mga parts nga gina-replace such as ang laser nga ginatawag naton nga indi naton puwede orderan diri sa lokal in Kalibo o in Aklan”.

Dagdag pa ni Engr. Velez, may ipinadalang replacement ang regional office subalit nasira din ito buhat na luma at hindi na kayang magamit ng pangmatagalan.

Inaasahan na sa susunod na Linggo ay maipapadala na dito sa Aklan ang kanilang ipina-ayos na laser engraver upang magamit na ng LTO Kalibo District Office.