Aklan News
Pagsalpok ng isang rider sa kotse, sapul sa CCTV


Kuhang-kuha sa CCTV ang pagsalpok ng isang motorsiklo sa isang kotse kagabi sa Escabarte Road, Brgy. New Buswang, Kalibo.
Kumakalat ngayon sa social media ang CCTV footage ng mismong pagsalpok ng rider sa papalikong kotse sa nasabing lugar mga dakong alas-10:00 kagabi.
Makikitang tumilapon ang backrider ng motor sa lakas ng pagkakabangga.
Napag-alaman na bali rin ang kanang binti ng driver na taga Ibajay dahil sa aksidente.
Dahil sa lakas ng impact, nayupi ang bahagi ng kotseng sinalpok ng motor at natanggal ang side mirror nito.
Kasalukuyang nasa Kalibo PNP ang mga sasakyang nasangkot sa aksidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan.
Continue Reading