Aklan News
Pagsuot ng face mask at face shields sa mga pampublikong lugar sa Kalibo, isinusulong ng Poblacion Brgy. Council
ISUNUSULONG ngayon ng Poblacion Barangay Council sa Kalibo ang panukalang ordinansa na pagsusuot ng face mask at face shield sa lahat ng mga pampublikong lugar sa Poblacion.
Ang proposed Ordinance No. 2020-008 o “An Ordinance Requiring All Persons to Wear Face Mask and Face Shields in Public Places within the Territorial Jurisdiction of Barangay Poblacion, Kalibo, Aklan, Imposing Penalties for Violations Thereof, and for Other Purposes” ay inakda ni Brgy. kagawad Mark Mitchelle Sy.
Kaugnay nito, magkakaroon ng public hearing ang Committee on Health and Sanitation sa pamumuno ni committee chair Reygie Bongabong sa darating na Agosto 24 para pag usapan ang naturang panukala.
Unang nagpatupad ang Department of Transportation ng mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield sa lahat ng pampublikong transportasyon noong Agosto 15.
Ang hakbang na ito ay para umano mabawasan ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa.