Aklan News
Pagtanggal ng helmet requirement sa Poblacion, Kalibo, di pwede ayon sa LTO
Hindi sang-ayon ang LTO Aklan sa isinusulong na panukalang pagtanggal ng helmet requirement sa Poblacion, Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Todo kay LTO Chief Engr. Marlon Velez, sinabi nito na ang pagsusuot ng helmet ay nasa ilalim ng national law na inaprubahan sa kongreso kaya hindi ito maaaring i-supersede ng lokal na ordinansa.
“Ang wearing of standard helmet is a national law, that is a special law nga ginpasa na, naapprove sang kongreso. Indi pwede masupersede sang mga municipal ordinances, so far
indi ina pwede,” aniya.
Ito raw ay direktang paglabag sa Motorcycle Helmet Act of 2015.
“Definitely indi gid pwede, indi pwede nga indi naton pagpasuksukon ang mga riders sang motorcycle helmet kasi that is a direct violation sang aton nga Helmet Act of 2015. So indi gid pwede,” saad ni Velez.
Bagamat nais raw ni SB Ronald Marte na mabigyan ng solusyon ang problema sa riding in tandem, may iba pa naman umanong solusyon dito na hindi labag sa mga national laws.
Mungkahi ni Velez, imbes na tanggalin ang helmet requirement, limitahan o iregulate na lang ang mga ito dahil may iba’t-ibang klase naman ng helmet tulad ng quarter shell at half face helmet na kita ang mukha ng rider.
Maari rin aniya na ipagbawal ang pagsuot ng bonnet at face mask.
Delikado aniya kapag hindi nakasuot ng helmet ang mga motorista dahil mas marami ang mga nabibiktima ng aksidente sa kalsada.
Sa ngayon ay wala pa umanong natatanggap na imbetasyon ang kanilang opisina mula sa Sangguniang Bayan kaugnay sa naturang usapin.