Aklan News
PAGTITIPON NG 5 KATAO PATAAS, KINUKONSIDERA NANG MASS GATHERING
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mass gathering sa Aklan dahil sa patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya.
Batay sa inamyendahan na executive order ng gobernador, kinukonsiderang mass gathering ang pagtitipon ng limang (5) katao pataas.
Nakasaad din sa EO na patuloy pa ring ipinagbabawal ang mga pagtitipon sa labas ng bahay.
Ipinagbabawal rin ang pagtitipon sa kabahayan na may kasamang hindi miyembro ng pamilya.
Samantala papayagan naman ang mga essential gatherings na nasa ilalim ng mga health services, government services, at humanitarian activities.
Papayagan rin ang religious gathering na lilimatan naman hanggang 30%.
Continue Reading