Connect with us

Aklan News

Pahinante ng truck sinaksak

Published

on

Nagtamo ng saksak sa kanyang tagiliran ang isang pahinante matapos itong saksakin alas-10 kagabi sa Tabayon, Banga, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Gallego, 48 anyos, tubong Lalagsan, Bacolod City.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan galing sa Iloilo ang truck papuntang Kalibo ngunit pag dating nila sa nasabing lugar ay huminto ang mga ito at nag pahinga muna ang drayber at pumunta naman ang biktima sa isang kapihan para sana magkape.

Ngunit sa kanyang pagbalik sa kanilang truck nakita umano ni Gallego na my isang lalaki na tangkang buksan ang likurang bahagi ng sasakyan.

Sinita nya ito na nag resulta ng diskusyon hanggang sa masaksak ang biktima sa kanyang tagiliran.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa insidente habang ginagamot naman sa Provincial Hospital si Gallego.