Connect with us

Aklan News

PALENGKE ON WHEELS, ILULUNSAD NG PROV’L GOV’T NG AKLAN

Published

on

Maglulunsad ang provincial government sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist ng “Palengke on Wheels” project.

Ang nasabing proyekto ay isa sa mga inisyatibo sa ilalim ng Aklan Sustainable Agricultural Program (ASAP).

Target ng programa na makapagbigay ng mas maayos na sistema para sa agrikultura at produksyon sa pangingisda para masigurado na ang mga Aklanon ay may sapat na pagkain sa harap ng COVID 19 crisis.

Ang nasabing konsepto ay mula sa mga myembro hg Sangguniang Panlalawigan members na sina Hon. Soviet dela Cruz, Hon. Ramon Gelito, Hon. Nelson Santamaria, sa pangunguna ni Vice Gov. Boy Quimpo.

Masaya namang ibinalita ng provincial government na ang mga sobrang produkto ng mga magsasaka sa kanilang bayan ay bibilhin ng provincial government at ibibenta rin sa mga bayan-bayan sa murang presyo na may kakulangan sa produkto.