Aklan News
PALILINIS NG BANGKETA LABAN SA MGA ILLEGAL STRUCTURE ISINAGAWA NG TASK FORCE T.A.T.C.
LUNGSOD NG ROXAS – Nilinis ng mga tauhan ng Task Force T.A.T.C. ng lungsod ang bangketa sa Burgos Talipapa, dito, kaninang umaga.
Ang pagtatanggal ng mga illegal structure ay ayon na rin sa SP Ordinance No. 040-2016 kung saan ipinagbabawal ang paglagay ng mga structure, pansamantala man o permanente, sa mga bangketa na nakasagabal sa daanan ng mga tao. Ang paglilinis na ito ay lalo pang pinagtibay ng kautusan ng DILG na linisin ang lahat na bangket sa buong bansa at binibigyan ng deadline ang mga punong barangay na sundin ito.
Pinangunahan ng hepe ng Task Force ang pag-alis ng mga nakahambalang istruktura sa bangketa, na si Ret. P/Col. Primo Golingay kasama rin si G. Marcial Gayagaya.
Lahat halos ng mga departamento ng pamahalaang lungsod ay kasama rin sa paglilinis dahil kinakailangan din ang kanilang papel kung merong mga gawaing sila lamang ang may responsibilidad kagaya ng Traffic Section na nagpapatupad ng maayos na daloy ng tapiko at ang Bureau of Fire Protection na silang nangangasiwa kung may mga linya ng kuryenteng dapat tanggalin o ayusin.
Maraming mga nagtitinda sa bangketa ang lubos na naapektuhan at sila’y binigyan ng alkalde ng pansamantalang lipatan ngunit hindi lahat ay nabigyan dahil sa kakiulangan ng lugar.
Naging maayos ang isinagawang paglilinis ang wala naming mga tindirang lumaban o hindi sumang-ayon.