Aklan News
Pamamahagi ng RSBSA forms sa Tigpalas, kinuwestyon ng kanilang punong barangay
Kinuwestyon ni Brgy. Captain Lucila Insauriga ng Brgy. Tigpalas, Malinao ang pamamahagi ng mga RSBSA forms ng umano’y tumatakbong kapitan sa kanilang lugar.
Sa panayam ng Radyo Todo, isiniwalat ng punong barangay na kumakalat ngayon sa kanilang lugar ang mga RSBA forms na umano’y galing kay Carlo Icamina na isa sa mga tumatakbong kapitan sa kanilang barangay.
May ilang mga residente aniya ang nagsusumbong sa kanya na ang pinamimigyan ng mga forms ay inuutusang mag vote straight sa kanilang partido para makatanggap ng P5000 na ayuda.
Saad nito, “Kung magpirma ka kara hay dapat straight voting agud maka-claim ka it P5000. Mawron ro hambae idto sa akon nga pamueoyo.”
“Rayang form ngara hay halin kuno ra kay Carlo Icamina nga halin kuno sa partido nanda sa Tibyog. Syempre dapat hay sa akon ta maghalin don. Dapat hay kami ta ro ginapatawag karon dahil labas ta karon ro mga eleksyon o partido kasi para ta ron sa tawo bukon it para sa pulitika. Kwarta ta it gobyerno ron, kung may pondo man ra hay kwarta ta it gobyerno ron , uwa’t pag-ano kung kaapin ka o bukon,” pahayag pa nito sa Radyo Todo.
Hindi rin aniya dumaan sa kanya ang mga forms na ito samantalang kasama ang kapitan sa dapat na pumirma ng RSBSA forms.
“Ano ro buot hambalon nanda sa akon, ginaagyan-agyan lat-ako ay, uwa ta ako gapamulitika ag uwa ako kun kaapin ka o bukon, dapat pantay ka sa tawo ag ro minatuod nga gaubra sa eanas,” giit nito.
Kaugnay nito, nakausap rin niya ang kanilang municipal agriculturist at kinumpirma nito na continuing registration lang ang programa ng DA at sa ngayon ay wala pang ayudang maipamimigay dahil wala pang pondo.
Para sa patas na pamamahayag, bukas ang Radyo Todo sa panig ng mga pangalang nabanggit sa artikulong ito.